may time na kahit gaano kahaba ang pasensya mo, may time na aabot din pala un sa sukdulan, magwawakas din at minsan hindi mo na rin pala kakayanin..
kung dito lang sa trabaho ko kung tutuusin madali lang, sa lahat ng trabaho eto lang ang may libreng internet wantusawa kung gugustuhin mo kung kaya mong umuwi kahit na madaling araw pa, (pero di ko kaya un) sa mga di nakakaalam ng trabaho ko. isa akong internet shop attendant kung sa tagalog taga bantay ng internet shop.
isa sa internet shop ang pinapangarap ko rin na magiging trabaho ko noon nung time na adeek ako sa intenet at mga social sites, at chat. pero ngayon na dito na at natupad ang pangarap ko na trabaho hindi pala talaga ganun kadali may mga kakaiba kang maeencounter,..(dati kasi akala ko easy lang, madali lang nakaupo ka lang, bantayan mo lang ung mga naglalaro,nagsusurf, mag print,mag fax, magscan,at maupo maghapon sa tapat ng sarili pong server.
haha nagkamali ako hindi pala ganun kadali, nung una di ko akalain na may mga bata dito na grabe ang spoiled as in dahil sa condominium nakatira di mo aakalain na ang mga bata dito ay kakaiba ang mga ugali, nagmumurahan sa edad na 6 na taon pataas (spoiles, walang galang, bastos) na encounter ko sila kailangan ng mahabang pasensya (baka kasi pag pinatulan ko mag sumbong at mag tago sa saya ng mga nanay nila), pero one time may nakasagutan akong isang bata, paano ayaw tumahimik sinaway ko ng wag guluhin ang isang batang naglalaro di pa rin tumitigil, hanggang kami na nag kasagutan matapang ang bata kaya simula nun pina ban ko na sya at di na pumasok ulit dito ung bata..ngayon binata na sya at ipinagmamalaki pa na may utang sya na 700 sa computer shop sa labas ng condo..di ba kakaiba..
isa rin sa di ko pwedeng kalimutan ang batang inabutan ng sama ng loob dito sa loob, at di pinansin ng kapatid nya..ang kwento click mo to>TAE. excuse me sa mga kumakain hehe..
at meron pa, isang babae naman na sabihin na natin may memory gap at tanga na suot ang headset ng PC na nakakabit xempre sa C.P.U ang ginawa pumunta sa kabilang side ng shop hila-hila ang wire at ayun..swerte bumagsak ang buong kwento nandito din..click mo to>she is a careless what the F
at may time na di ko din akalain na mamalditahan pala sakin ang ibang customer, eh natingnan ko lang naman ang tattoo nya (maldita na ba ko nun) katawa talaga, di ko na masyadong idedetalye, basta namalditahan lang sya sakin..may sensitive lang talagang tao.un lang.
at nung nakaraang araw lang, meron naman isang banyaga na grabe magmura..at alam ko kilala ng EB girls ang tinutuloy ko, mga sistah oo sya ung sinasabi ko ung nakilala nyo nung gabing nandito kayo, di man ako ang minumura nya pero alam ko na kasama ako dun, ang dahilan? na disconnect lang ang internet inereset ko ang PC ng lahat ng nagiinternet at sya pala ay nag tatanim ng kung ano man sa FV(farmville) aun nawala ang kanyang nagawa, nag sorry na naman ako un nga lang..nabadtrip talaga sya hehe..sa ngayon alam ko na ang tunay nyang ugali..nakakatuwa lang isipin na ang mga banyaga pa ang kung sino umasta dito sa bansa natin..sila pa ang maangas..heneways buti na lang di ko sya type haha..
at nito lang na nakalipas na isang oras, isang customer ulit ang nagpainit sa ulo ko..haha..(sarap ibato ng monitor ko sknya) paano? nag tanong sya.. eh medjo nagloloko ang internet ko kanina.(pldt sucks) na didisconnect ulit pero bumalik naman sa ayos, nag send sya ng email sa isang ewan ko kung saan un, tapos nag reply daw ng failure ek.ek message un ng madaemon ba un basta ganun ung marereceive mo, eh ang alam ko pag ganun na failure ang reply mali ang email address na binigay sayo, naka lang send na daw sya at tama naman daw ang email-ad, baka daw sa system o ung connection namen ang problema, check ako ng net ko meron naman nakaka access ako at sya nasa yahoomail sya, pinaliwanag ko na baka sa email un at sa yahoo.walang pong conncetion ang system namen sir. di na umimik, pinabayaan ko, nag out at ang sabi dapat un discounted na wala naman akong na send, kamustang naka access nga sya ng email nya, di ako pumayag sabi ko wala naman po akong pang abono kuya, aun binayaran din nya..oh di ba..nakakapraning haha..
may mga binabalak na ko na moves ngayon, sana palarin ako kung sakaling makahanap ako ng ibang trabaho, kung sakin lang ayoko umalis dito dahil sa wala naman akong masabi kay BOSS, at may mga tao pa rin naman na mapag kumbaba dito, madami pa din na marunong umintidi, ang gusto ko lang din eh bagong experience, kahit na bagong pakikisama ulit at adjustment.. iniisip ko pa rin naman kung itutuloy ko dito o iiwanan ko tong buhay ko dito.need ko din ng advice nyo kung tama ba ang gagawin ko.:D salamat